^

PSN Palaro

Cavaliers isang panalo na lang

Pilipino Star Ngayon
Cavaliers isang panalo na lang

Inilusot ni Kyrie Irving ng Cavaliers ang kanyang layup laban kay Celtics center Al Horford.

Kinuha ang 3-1 bentahe laban sa Celtics

CLEVELAND – Alam ni Kyrie Irving na siya ang dapat sumalo sa responsibilidad na posibleng hindi matapos ni LeBron James.

Nang malagay si James sa foul trouble ay napilitan si Irving na gawin ang higit pa sa hinihingi sa kanya.

“The kid is special,” pagpuri ni James kay Irving. “I was happy to sit back and watch him. He was born for these moments.”

Kumamada si Irving sa second half at tumapos na may 42 points, habang nagdagdag si James ng 34 mar­kers para ihatid ang Cavaliers sa 112-99 panalo laban sa Boston Celtics sa Game Four ng Eastern Conference Finals.

Nagdagdag si Kevin Love ng 17 points at 17 rebounds para sa Cavaliers, may 11-1 record ngayon sa postseason.

Tangan ang 3-1 bentahe sa serye, isang panalo na lang ang kailangan ng Cleveland para maitakda ang ka­nilang bakbakan ng Golden State Warriors sa ikatlong sunod na pagkakataon sa NBA Finals.

Maaaring tapusin ng defending NBA champions ang kanilang serye ng Boston sa Game Five sa Huwebes sa Boston para angkinin ang ikatlong sunod na conference title at ang ‘three-match’ laban sa Golden State.

Nagbida si Irving bagama’t muntik na siyang magkaroon ng ankle injury.

Natapakan ni Irving ang paa ni Terry Rozier at tila nag­karoon ng ankle injury.

Nanatili siya sa sahig ng ilang minuto bago bumangon at itinali ang sintas ng kanyang sapatos.

“It was one of those games we had to fight through and we had to earn it,” sabi ni Irving.

Muling naglaro ang Celtics nang wala si All-Star guard Isaiah Thomas, mangangailangan ng surgery dahil sa kanyang hip injury.

Iniwanan ang kanyang mga Boston defenders sa pamamagitan ng dribble at drive sa basket kapag kaila­ngan, nagsalpak si Irving ng anim na layups, dalawang three-pointers at isang free throw sa loob ng 4:48 minuto.

“He saw Bron went out and he wanted to put the team on his shoulders,” sabi ni Cavaliers coach Tyronn Lue kay Irving. “He did that.”

Aminado si Irving na sumagi sa isip niya ang pagka­wala ng kanilang abante sa serye sa Boston.

“In the back of my mind, I thought, ‘They can’t tie up the series,” ani Irving. “We can’t go back to Boston tied 2-2. We needed everything tonight.”

Ikinainis naman si Boston coach Brad Stevens ang malamyang depensang ibinigay ng kanyang mga players kay Irving.

“There’s choices,” wika ni Stevens. “I’m not sure there are good choices. When he gets going like that, he’s tough to stop. The ones we gotta look at are the ones he got at the rim.”

Pinangunahan ni guard Avery Bradley, nagsalpak ng game-winning three-pointer sa Game Three, ang Celtics mula sa kanyang 19 points kasunod ang 18 markers ni forward Jae Crowder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with