PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Big Three’ ng Cavs gumana

Dumakdak si LeBron James ng Cavs sa harapan ni Julius Randle ng Lakers.

LOS ANGELES--Nagpasabog si guard Kyrie Irving ng 46 points, habang nagdagdag si LeBron James ng 34 markers at kinailangan ng Cleveland Cavaliers na bumangon mula sa 11-point deficit sa fourth quarter para talunin ang Lakers, 125-120.

Kumolekta si Kevin Love ng 21 points at 15 rebounds para sa pagsikwat ng Cavaliers ng playoff spot.

Ipinahinga sina James, Love at Irving sa naunang kabiguan ng Cleveland laban sa L.A. Clippers noong Sabado kung saan nagalit ang mga fans at ang national television audience.

Umiskor naman si D'Angelo Russell ng career-high na 40 points sa kanyang pagbabalik sa starting lineup para sa Lakers, nalasap ang pang-limang sunod na kamalasan at pang-13 sa huli nilang 14 laro.

Nagsalpak si Russell ng pitong 3-pointers at nagtala ng 6 assists at may isang turnover sa loob ng 41 minuto.

Nag-ambag si Fil-Am Jordan Clarkson ng 19 points para sa Lakers kasunod ang 18 markers ni rookie Brandon Ingram.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Matapos kunin ng Lakers ang 94-83 abante sa kaagahan ng fourth quarter ay pumukol si Irving ng anim na triples patungo sa pagtabla ng Cavaliers sa 104-104.

Ang nag-iisang turnover ni Russell ang nagresulta sa go-ahead 3-pointer ni Irving.

Sa Miami, kumamada si Damian Lillard ng season-high 49 points, may career high na siyam na 3-pointers, para akayin ang Portland Trail Blazers sa 115-104 panalo laban sa Heat.

Tumipa si Lillard ng 14 for 21 fieldgoal shoting kasama ang 9 for 12 sa 3-point range at 12-of-12 sa free throw line.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Dallas ang Brooklyn, 111-104; pinadapa ng Philadelphia ang Boston, 105-99; dinaig ng Detroit ang Phoenix, 112-95; iginupo ng New Orleans ang Minnesota, 123-109; inilampaso ng Toronto ang Indiana, 116-91 at pinabagsak ng San Antonio ang Sacramento, 118-102.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: