Philippine Volcanoes makikipagsabayan sa U19 Asia Rugby Championship
MANILA, Philippines – Inaasahan ang magandang laban sa pagharap ng Philippine Jr. Volcanoes kontra South Korea sa 2016 Under-19 Asia Rugby Championship sa Disyembre 14 na gaganapin sa International School of Manila ng Taguig City.
Ayon kay coach Jake Robrigado Letts, ang four-nation championship ay lalahukan din ng malalakas na bansa kagaya ng Singapore at United Arab Emirates.
Maghaharap ang Philippine Jr. Volcanoes at Korea dakong alas-5 ng hapon habang ang Singapore at United Arab Emirates ay magtatagpo sa alas-6:30 ng gabi.
Ang mananalo sa dalawang laban ay maghaharap sa finals sa alas-2 ng hapon sa Dec. 17 sa parehong venue.
“This is a division I games. That’s why it’s going to be an exciting match. Korea is a tough opponent. They are a strong team, but I’m confidence, we can hurdle this one with our better preparations for this championship,” sabi ni Letts sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Shakey’s Malate.
“Kinakailangang manalo ang Volcanoes sa championship na ito para umusad sa higher level ng torneo”, ani pa ni Letts.
Ang RP national team ay lalahukan ng 12 Fil-Foreigners at 13 homegrown talents.
Kabilang sa kanila sina Rhys Jacob Mckley, Kai Ledesma Stroem at Robert Benitez na kapwa na nakapaglaro na sa men’s national team sa taong ito.
- Latest