^

PSN Palaro

Texters pinigil ang Elite

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS W   L

TNT Katropa                2    1

Blackwater                  2    1

Rain or Shine             2    0

Globalport                    1    0

NLEX              1    0

Phoenix                       1    1

San Miguel                 1    1

Star                  0    1

Alaska                          0    1

Meralco                        0    1

Ginebra                        0    1

Mahindra                     0    2

 

Laro Ngayon

 (Smart Araneta Coliseum)

3pm NLEX vs Meralco

5pm SMB vs Alaska

 

MANILA, Philippines - Malakas ang signal ng Talk ’N Text nang dungisan nito ang rekord ng Blackwater sa pamamagitan ng 99-92 desisyon upang mahablot ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2016-2017 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsanib-puwersa sina Moala Tautuaa at Jayson Castro para tulungan ang Tropang Texters na uma­ngat sa 2-1 rekord.

Bumanat si Castro ng 20 puntos, limang rebounds at limang assists habang gumawa si Tautuaa ng sariling 20 puntos, apat na boards, isang assist at isang steal.

“Before the game, we talked about what we wan­ted to build moving forward. We didn’t start the way we wanted to, we only adjusted. We need to come out everytime with the right things in mind, intensity wise, energy wise and pride wise,” wika ni Tropang Texters assistant coach Josh Reyes na siyang pansa­mantalang humalili kay head coach Nash Racela na inaasahang masisilayan na sa susunod na laro ng tropa sa Disyembre 9 laban sa Meralco.

Malaki rin ang kontribusyon ni Ranidel De Ocampo na tumipa ng 15 puntos, walong rebounds at apat na assists gayundin si Larry Fonacier na may 11 puntos at sina Troy Rosario at Matt Ganuelas-Rosser na may tig-walong kinamada.

Muling bumandera sa hanay ng Elite si rookie Mac Belo na nakalikom ng 21 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists subalit hindi ito sapat para buhatin ang kanyang koponan sa panalo at mahulog sa parehong 2-1 marka.

Nagdagdag ng tig-14 puntos sina Kyle Pascual at Nard John Pinto gayundin sina Art Dela Cruz at Reil Cervantes ng pinagsamang 22 puntos para sa Blackwater.

Humatak ang Tropang Texters ng 52 rebounds laban sa 43 ng Elite.

Naglista rin ang TNT ng 31-of-73 field goal shooting habang nakakuha ito ng 55 puntos mula sa bench kumpara sa 27 lamang ng Elite.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with