^

PSN Palaro

Bulldogs, Tams nais sumalo sa ika-2 puwesto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(MOA Arena)

2pm NU vs UP

4pm UST vs FEU

 

MANILA, Philippines - Pakay ng nagdedepensang Far Eastern University at National University na makisalo sa ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sasagupain ng Ta­maraws ang University of  Santo Tomas  sa rematch ng Season 78 Finals sa alas-4 habang makikipagtuos naman ang Bulldogs sa University of the Philippines sa unang laro sa alas-2.

Nakatali sa three-way tie sa No. 3 spot ang FEU, NU at Adamson University tangan ang pare-parehong 3-2 baraha.

Nangunguna ang De La Salle University na may malinis na 6-0 rekord kabuntot sa ikalawa ang Ateneo de Manila University na may 4-2 marka.

Nakasakay ang Tamaraws sa dalawang sunod na panalo kabilang ang pahirapang 51-49  pananaig sa Fighting Maroons noong Linggo.

Maasim ang laro ni Raymar Jose sa naturang laro matapos ang 3-of-10 field goal shooting kasama ang tatlong turnovers habang may 2-of-9 si Wendelino Comboy, 0-of-3 si Prinze Orizu at 0-of-2 si Alejandrino Inigo.

Tanging si Monbert Arong lamang ang nagtala ng double figures sa natu­rang laro tangan ang 14 puntos.

Naglista rin ng ka­bu­uang 19 turnovers ang FEU na siyang isa sa nais limitahan ng bataan ni coach Nash Racela.

Ang Growling Tigers naman ay tila nakasakay sa rollercoaster.

Matapos maitala ang 83-77 panalo laban sa UP, muling bumagsak ang UST nang umani ito ng 68-75 pag­yuko sa NU para mahulog sa 2-3 baraha.

Pangunahing sinasandalan ng Growling Tigers si Louie Vigil na may averages na 14.20 points at 3.20 assists habang nagbibigay naman si William Afoakwah ng 9.40 boards at 0.60 block kada laro.

Maliban sa dalawa, aasa­han din ng tropa sina Sheak Sheriff, Marvin Lee, Renzo Subido at Kent Lao upang mapaangat ang kanilang kasalukuyang kinalalagyan.

Sa kabilang banda, kukuha ng lakas ang NU kina Matt Salem na may ave­rages na 11.40 points at 7.80 rebounds, Jess Diputado na may 2.60 assists at 2.0 steals, at Alfred Aroga na kumakana ng 1.40 blocks kada laro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with