^

PSN Palaro

Akhuetie lalaro na sa Altas, kontra Lions sa Game 1 ng Final 4

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naayos din ng Nigerian import na si Bright Akhuetie ang kanyang problema sa University of Perpetual Help Altas.

Dahil dito pinayagan si Akhuetie na maglaro sa laban ng Altas kontra top seed San Beda Red Lions bukas sa simula ng Final Four ng 92nd National Collegiate Athletic Association (NCAA) basketball tournament na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sinuspinde si Akhuetie ng isang laro dahil sa disciplinary action kaya natalo sila sa Mapua Cardinals, 63-67, noong Biyernes.

Bunga ng nasabing kabiguan bumagsak ang Altas sa ika-apat na puwesto taglay ang 11-7 record.

“Yes, we did patched out our differences, everything is okay now and yes, he will be playing,” sabi ni Nosa Omorogbe, dati ring Nigerian player ng Altas na ngayon ay kasama na sa coaching staff.

Umamin si Omorogbe na malaking bagay ang pagbabalik ni Akhuetie sa Altas dahil sa kanyang season average na 18 .4 points (third best in the league), 12.3 rebounds (fourth) and 1.7 blocks (fifth).

Mayroong twice-to-beat advantage ang Red Lions bilang top seed ngunit sa tulong din ni 6-11 Prince Eze, isa pang Nigerian ma­laki ang tsansa ng Altas na makalusot sa hinahangad na unang kampeonato sa NCAA.

Ang Hindi paglalaro ng Cameronian na si Donald Tankoua para sa San Beda dahil sa injury ang nagpatibay sa loob ng Altas.

“Hopefully we could cash in on it,” ani pa ni Omorogbe.

Hindi pa nanalo ang Altas sa Red Lions sa kanilang dalawang beses na paghaharap.

Unang inilista ng Men­diola-based cagers ang 70-88, panalo sa first round ng elimination bago sinundan ng  75-84 pananaig sa ikalawang ikutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with