^

PSN Palaro

Pupuwesto sa no. 1: Lions o Chiefs?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng San Beda  at Arellano University ang top seeding sa Final Four sa playoff  ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Red Lions at Chiefs sa alas-4 ng hapon habang masisilayan naman ang pukpukan ng Arellano at La Salle-Greenhills sa juniors sa alas-2.

Naipuwersa ng San Beda ang playoff matapos patumbahin ang Arellano noong Biyernes, 91-81 sa huling araw ng second round ng eliminasyon.

Dahil dito, nauwi sa pagtatabla ang Red Lions at Chiefs hawak ang parehong 14-4 rekord.

Ang magwawagi sa San Beda-Arellano ang siyang haharap sa University of Perpetual Help System Dalta sa crossover Final Four habang ang matatalo ang sasagupa sa Mapua Institute of Technology sa hiwalay na semis match.

Parehong may twice-to-beat ang Red Lions at Chiefs sa Final Four.

“I’ve been coaching here for just two years but I heard its the school tradition,” wika ni San Beda coach Jamike Jarin.

Nawala man si Ca­meroonian Donald Tan­koua, malaking tulong ang ginagawa ni Javee Mocon upang punan ang nabakanteng puwesto ng una na nagtamo ng ACL injury sa kaagahan ng second round.

Naglista ang 6-foot-3 na si Mocon ng averages na 16.5 points at 14 rebounds sa kanilang hu­ling dalawang laro upang tulu­ngan ang Red Lions na mu­ling umangat sa standings.

Sa kabilang banda, nais ni Arellano mentor Jerry Codiñera na magkaroon ng magandang aura ang kanyang bataan bago pumasok sa Final Four.

Magsisilbing lakas ng Chiefs si MVP candidate Jio Jalalon na nagkasya lamang sa 14 puntos sa kanilang huling laro.(CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with