^

PSN Palaro

Perlas pinasadsad ang Indonesia, lumapit sa ginto

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niresbakan ng Perlas Pilipinas ang Indonesia, 72-56  para makalapit sa inaasam na gintong medalya ng 2016 SEABA Women’s Championship noong Biyernes ng gabi sa Bukit Serindit Indoor Stadium sa Malacca, Malaysia.

Itinala ng Nationals ang kanilang ikatlong sunod na panalo at nakatakdang labanan kagabi ang Malaysia para sa gold medal ng torneo.

Hangad ng koponan ni head coach Patrick Aquino na mawakasan ang anim na taong pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya sa SEABA na huling pinagreynahan ng bansa noong 2010 sa likod nina Cassie Tioseco, Melissa Jacobs at Nita Grajales sa paggiya ni coach Heidi Ong.

Nakabawi ang mga Pinay sa naunang kabiguan sa mga Indonesians noong 2015 Southeast Asian Games sa Singapore.

“They have this belief that they won against us in the SEA Games and they can beat us again. But we came prepared also. But it’s payback time,” ani Aquino sa Indonesia.

Tumapos si Allana Lim na may 24 points at 9 rebounds para sa Perlas Pilipinas, habang nagdagdag si Cindy Resultay ng 15 markers.

Nakalapit ang Indonesia sa 43-51 agwat sa third period matapos magpakawala ng 15-6 atake kasunod ang basket ni Lim at dalawang free throws ni Ambi Almazan para muling ilayo ang Nationals sa 68-53 sa huling 4:11 minuto ng final canto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with