^

PSN Palaro

Aguilar, Guevarra nagdomina sa PPS Naga netfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalo pang pinasigla nina Glydel Guevarra at John Benedict Aguilar ang kanilang tennis careers matapos kumuha ng tig-dalawang korona, habang nagdomina sina top seeds Kurt Angelo Molina at Nica Alanis sa kanilang mga dibisyon sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Naga City regional age-group tennis tournament sa Naga City Tennis Club noong Linggo.

Dalawang beses dinaig ng 10-anyos na si Guevarra si Aika Idioma nang kunin ang 6-0, 6-0 panalo sa girls’ 12-and-under finals at ang 6-2, 6-1 tagumpay sa 14-U sa Bicol leg ng Group 5 tournament na itinataguyod ng Palawan Pawnshop at inihahandog ng Slazenger.

Nabigo naman ang Iriga City star, nanalo sa 10-unisex class ng nakaraang Olivarez Cup, sa kanyang hangad na three-title feat nang yumukod kay Aguilar sa 10-U semis.

Tinalo ni Aguilar si Ryan Taller, 4-2, 2-4, 5-3, sa finals.

Inangkin din ng tubong Camalig, Albay na si Aguilar ang boys’ 12-U plum mula sa kanyang 6-3, 7-6 (5) pag­lusot kay Harry Bonavente sa event na pinamahalaan ni Naga City Mayor John Bongat katuwang ang Asiatra­ders Corp., ang exclusive distributor ng Slazenger, bilang official ball.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with