^

PSN Palaro

Lady Maroons asinta ang semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pakay ng University of the Philippines na masungkit ang tiket sa Final Four sa pagpapatuloy nga­yong hapon ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Subalit daraan sa ma­tinding pagsubok ang Lady Maroons dahil makakaharap nito ang nagdedepensang National University sa alas-4.

Mataas ang kumpiyansa ng UP na galing sa panalo kontra Ateneo Lady Eagles, 25-18, 14-25, 25-20, 25-18, na siyang nagpa­angat sa kanila sa 2-1 baraha sa ikatlong puwesto.

Nangunguna ang Lady Bulldogs at Far Eastern University Lady Tamaraws na may parehong 3-1 kartada at kapwa nakatitiyak na ng silya sa Final Four.

Sunud-sunod na laban ang pagdaraanan ng UP kaya naman nais na lamang ni coach Jerry Yee na ma­ging handa ang kanyang bataan sa aspetong mental at pisikal.  Matapos ang NU, sunod na makakaharap ng Lady Maroons ang San Se­bastian.

Aasahan ng UP si UAAP Rookie of the Year Isa Molde kasama sina V-League Open Conference Best Blocker Katherine Bersola, Marian Buitre, Diana Carlos, Justine Dorog at Nicole Tiamzon.

Ang Lady Bulldogs naman ay mamanduhan ni 6-foot-5 Jaja Santiago kasama sina Aiko Urdas, Risa Sato, Jorelle Singh, Roma Doromal at Audrey Paran na gagabayan ni league lea­ding setter Jasmine Nabor.

Maghaharap naman sa ikalawang laro ang Ateneo (1-2) at University of Santo Tomas (0-4) sa alas-6 ng gabi kung saan kinakaila­ngan ng Lady Eagles na mawalis ang kanilang huling dalawang asignatura.

Sa Spikers’ Turf, nais ng Ateneo na mawalis ang Group B kung saan makakasagupa nito ang UP sa kanilang huling asignatura sa alas-12.

Maglalaro naman ang Philippine Merchant Marine School at St. Benilde sa non-bearing game sa alas-10 ng umaga.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with