^

PSN Palaro

Kings swak sa quarters, Aces nakasilip naman ng tsansa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na napigilan ang Gin Kings sa pagpasok sa quarterfinals.

Nakabawi mula sa 13-point deficit sa third quarter, niresbakan ng Barangay Ginebra ang Star, 116-103, sa 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Gin Kings para itaas sa 6-2 ang kanilang kartada kapantay ang Mahindra Enforcers sa ilalim ng TNT Katropang Texters (6-1).

Nalasap naman ng Hotshots (1-6) ang kanilang ika­anim na dikit na kamalasan.

Nang maagaw ang 78-76 abante sa pagtatapos ng third period ay dumiretso ang Ginebra sa pagtatala ng 99-84 bentahe sa huling 6:35 minuto ng final canto.

Samantala, hindi naman nag­laro si import Eric Dawson bunga ng injury nito.

Ito ang sinamantala ng Alaska para paluhurin ang Blackwater, 107-87, at ma­kasilip ng pag-asa sa quarterfinals.

Nakabangon ang Aces mula sa naunang kabiguan sa nagdedepensang San Miguel Beermen, naglaro nang wala si Arizona Reid, para sa kanilang 3-5 record, habang nalagay sa balag ng alanganin ang Elite sa 1-7 baraha nila.

“In our pre­pa­rations he was a part of it. Dito ko lang na­rinig na hindi siya mag­la­laro,” sabi ni American coach Alex Compton.

Maliban kay Dawson ay hindi rin naglaro ang mga may injury na sina Reil Cervantes at JP Erram.

Pinamunuan ni import LaDontae Henton ang Alaska sa kanyang game-high na 33 points, 8 rebounds at 3 assists, habang nagdagdag si rookie Kevin Racal ng 12 markers kasunod ang 11 ni Ping Exciminiano.

Umiskor si rookie Arthur De­la Cruz ng 23 points sa panig ng Blackwater, ha­bang may 18 si Carlo Las­timosa at tig-10 sina Bam­bam Gamalinda at Ja­son Melano.

Kumamada si Henton ng 13 points sa second period para ilayo ang Aces sa halftime, 54-36, bago tu­luyang ibaon ang Elite sa 82-54 sa pagtatapos ng third quarter.

Ginebra 116 - Brownlee 38, Aguilar 21, Mercado 14, Tenorio 13, Cruz 8, Caguioa 8, Thompson 6, Marcelo 4, Mariano 2, Devance 2, Helterbrand 0.

Star 103 - Wright 31, Simon 22, Pingris 13, Garcia 10, Barroca 9, Yap 9, Melton 5, Sangalang 2, Maliksi 2, Reavis 0, Pascual 0.

Quarterscores: 21-33; 50-58; 78-76; 116-103.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with