^

PSN Palaro

La Salle, UP naka-buwenamano sa Spikers’ Turf mainit ang simula ng Lady Maroons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mabilis na dinispatsa ng University of the Philippines ang baguhang San Beda College, 25-20, 25-17, 25-20, upang magarbong simulan ang kanilang kampanya sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.

Nagpakawala si UAAP Rookie of the Year Isa Molde ng 13 matutulis na atake at dalawang aces para pamunuan ang Lady Maroons na makuha ang maagang liderato tangan ang 1-0 rekord.

Nagdagdag naman ng siyam na puntos si Ka­therine Bersola at tigwalo naman sina Nicole Tiamzon  at Justine Dorog samantalang may 39 excellent sets si Mae Angeli Basadre sa larong tumagal lamang ng 62 minuto.

Malakas na puwersa rin ang inilatag ng San Beda sa pangunguna ni Cesca Racraquin na humataw ng 12 attacks, dalawang blocks at dalawang aces kasama pa ang 10 digs gayundin sina Nieza Viray at Wenneth Eulalio na may pinagsamang 17 hits.

Subalit nakagawa ang Lady Red Spikers ng 24 unforced errors na siyang pangunahing dahilan upang lasapin ang kanilang unang pagkatalo.

Sa Spikers’ Turf, umiskor ng pambuenamanong panalo ang De La Salle University nang payukuin nito ang College of Saint Benilde, 25-20, 22-25, 25-23, 25-21, habang nakisalo sa tagumpay ang UP na nagtala ng 23-25, 29-27, 25-19, 25-18 panalo laban sa NCAA runner up Emilio Aguinaldo College.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with