^

PSN Palaro

Sinakmal ang Cardinals perpekto pa rin ang Bedans

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mabangis pa rin ang San Beda College matapos sakmalin ang Mapua Institute of Technology, 85-74, upang manatiling malinis ang rekord nito sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Matatalim na pangil ang inilabas ni Davon Potts nang maghasik ito ng 25 puntos katuwang si Robert Bolick na nagrehistro ng double-double at 10 puntos, 12 rebounds at walong assists sa panig ng Red Lions na sumulong sa impresibong 7-0 rekord na siyang nagpatatag sa kanilang kapit sa solong liderato.

“We knew they’re going to come back strong, good thing the players kept their composure,” ani San Beda coach Jamike Jarin.

Nangibabaw sa hanay ng Cardinals si reigning MVP Allwell Oraeme na may 21 points at 20 rebounds ngunit malaking kawalan si team captain CJ Isit na apat na linggong magpapahinga matapos magtamo ng injury sa daliri.

 Lumamang ang San Beda ng 20 puntos sa likod ng pinagsanib-puwersa nina Potts at Bolick subalit naibaba ito ng Cardinals sa anim matapos umariba si Allwell sa huling dalawang minuto ng laro.

Ngunit iyon na lamang ang nakayanan ng Mapua nang muling humataw sina Potts at Bolick upang tulu­yang tuldukan ang paghahabol nito at makuha ng Red Lions ang panalo.

Bagsak sa 5-2 ang Cardinals.

Sa unang laro, muling umariba si Rey Nambatac upang hatakin ang nagdedepensang Colegio de San Juan de Letran sa 67-62 panalo laban sa Jose Rizal University.

Itinarak ni Nambatac ang 29 puntos tampok ang 15 puntos sa huling kanto para tulungan ang Knights na makuha ang ikalimang panalo sa pitong laro.

Sa juniors, naisalpak ni Prince Etrata ang game-winning basket para dalhin ang San Beda Red Cubs sa 86-84 panalo laban sa Mapua Red Robins upang manatiling malinis ang kanilang rekord.

Namayani rin ang Letran Squires kontra Jose Rizal, 74-63, para umangat sa 4-4.

Nagtamo naman ang Jose Rizal ng 2-6. (CCo)

Letran  67 – Nambatac 29, Quinto 12, Calvo 9, Ambohot 4, Balanza 4, Sollano 4, Luib 3, Bernabe 2, Apreku 0, Balagasay 0, Dela Peña 0.

JRU 62 – Pontejos 27, Dela Virgen 9, Grospe 6, Lasquety 5, Mendoza 5, Teodoro 4, Abdul  Wahab 2, Poutouchi 2, Cruz 2, Astilla 0, Dela Paz 0.

Quarterscores: 10-12, 23-29, 44-45, 67-62.

San Beda 85 – Potts 25, Soberano 17, Mocon 14, Tankoua 11, Bolick 10, Alas 2, Noah 2, Presibitero 2, Tongco 2, Adamos 0.

Mapua 7--Oraeme 21, Estrella 14, Serrano 9, Raflores 8, Menina 7, Aguirre 6, Bunag 5, Orquina 4, Eriobu 0.

Quarters: 16-20, 45-35, 67-51, 85-74.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with