^

PSN Palaro

Pinoy bets nagsimula na sa pagpapapawis

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO - Si­yam na araw bago ang opening ceremony ay nagsimula nang maghanda ang pitong Filipino athletes na maglalaro sa limang sports events sa 2016 Rio Olympics.

Noong Lunes ay pinagpahinga ang mga atleta kung saan sila namasyal sa paligid ng Rio de Janeiro sakay ng mga inupahang vans.

Gustong maging pamil­yar sa playing venue at lamesang gagamitin, nagsanay si table tennis bet Ian Lariba sa umaga at nanatili pa ng dalawang oras para obserbahan ang bilis ng bola sa venue.

Ito ang unang Olympics ng 21-anyos na si La­riba na tatayong flag bearer ng Pilipinas sa Aug. 5 opening ceremony ng Rio Olympics.

May kakaibang nararamdaman ang tubong Cagayan de Oro at pambato ng De La Salle University.

“I’m nervous and excited at the same time. There’s pressure,” wika ni Lariba sa kanyang pagtambay sa dining hall ng Athletes Village kasama si South Korean coach Mi Sook Kwon.

Sina swimmers Jessie Khing Lacuna at Jasmine Alkhaldi ay dalawang beses sa isang araw kung magsanay kasama sina coa­ches Archie Lim at American Jennifer Buffin.

Dumating naman si Alkhaldi sa Rio kamakalawa mula sa Hawaii via Dallas at Miami na bumiyahe ng kabuuang 31 oras.

Lalahok siya sa wo­men’s 100-m freestyle at sasali naman si Lacuna sa men’s 400-m freestyle.

Kumpara kay Lariba, alam na nina Lacuna at Alkhaldi ang pakiramdam ng paglalaro sa Olympics matapos kumampan­ya noong 2012 London Games.

Samantala, nagsimula na ring mag-ensayo sina weightlifters Nestor Colonia at Hidilyn Diaz.

Ito ang pangatlong Olym­pics ni Diaz, ang 2012 London Olympics flag bea­rer, katulad ni Torres.

Dalawang beses sa isang araw nagsanay si taekwondo entry Kirstie Elaine Alora kung saan siya sumasailalim sa plyometrics sa umaga at sparring sa kanyang coach na si dating Southeast Asian Games finweight Kitoy Cruz sa hapon.

Si long jumper Mares­tella Torres-Sunang ay ginagaba­yan ni coach Joe­bert Delicano.

Nakatakda namang dumating sina boxers Rogen Ladon at Charly Sua­rez sa Rio sa Miyerkules ng gabi mula sa Las Vegas kasama si coach Boy Velasco.

Tatlo pang Pinoy athletes ang makakasama ng delegasyon sa mga susunod na araw.

Sina track and field bets Eric Cray at Mary Joy Tabal ay magmumula sa Hawaii at Japan, ayon sa pagkakasunod, habang si  golfer Miguel Tabuena ay manggagaling sa Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with