^

PSN Palaro

Ochoa kampeon sa Jiu-Jitsu World Championship

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumipa ng ikatlong sunod na gintong medalya si Meggie Ochoa sa prestihiyosong Jiu-Jitsu Federation World Championship na ginanap sa Long Beach, California kamakailan.

Itinanghal na kampeon ang 26-anyos na si Ochoa sa rooster weight division (under-107 lbs.) matapos gapiin ang pambato ng Amerika sa finals.

Pinayuko rin nito ang mga fighters mula Mongolia at Brazil.

Aminado si Ochoa na mas matindi ang bakbakan ngayong taon dahil malaki ang itinaas ng lebel ng mga kalahok sa edisyong ito.

“Mas nadalian ako last year. Pagaling na nang pa­ga­ling (ang mga kalaban) and it’s a tribute to the progress of the sport,” wika ni Ochoa sa pagbisita nito sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Umaasa si Ochoa na maging magandang umpisa ang kanyang tagumpay upang mahikayat ang iba pang Pilipino fighters sa jiu-jitsu dahil malaki ang paniniwala nito sa kakayahan at abilidad ng mga Pinoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with