^

PSN Palaro

Gilas cadets puntirya ang ginto vs Thais

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Target ng Gilas cadets na masungkit ang kampeonato sa pakikipagtuos kontra Thailand  sa 2016 SEABA Stankovic Cup gold-medal match ngayong hapon sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Hangad ng Gilas cadets na magkaroon ng mas magandang laro sa pagkakataong ito upang maiwasan ang nangyari sa eliminasyon kung saan naitakas ng Pinoy cagers ang pahirapang 66-65 desisyon nang talunin nito ang Thais.

Salamat sa back-to-back three-pointers nina Cris Tolomia at Kevin Ferrer na siyang nagsalba sa maasim na laro ng Gilas cadets.

“That was a tough one. The Thai team is well prepared and very experienced. (But) great show of character by our young guys despite open shots not falling,” ani Gilas cadets assistant coach Josh Reyes.

“Defense got this one for us. The game that really counts though is on Saturday. We’ve got to adjust and be ready,” Reyes added.

Nasiguro ng Gilas cadets ang puwesto sa finals matapos walisin ang lahat ng kanilang asignatura sa eliminasyon. Inilampaso nito ang Malaysia sa iskor na 108-84 kasunod ang paggulpi sa Singapore (81-59) at Indonesia (83-52).

Sa pagpasok sa finals, nakatitiyak na ang Pilipinas at Thailand ng tiket sa FIBA Asia Championship na gaganapin sa Tehran, Iran.

Laban sa Thailand, isang masamang 3-of-35 shooting clip sa three-point area ang ibinigay ng Gilas cadets.

Nanguna sa naturang panalo si Troy Rosario na may 20 puntos at 10 rebounds katuwang si Mac Belo na nagdagdag ng 18 puntos at pitong boards.

Kumana naman si Tolomia ng siyam na puntos at siyam na assists habang may 12 rebounds si Raymar Jose.

Babantayan ng Gilas cadets si forward Chitchai Ananti na siyang nanguna sa Thailand tangan ang 14 puntos at 10 rebounds gayundin si Nakorn Jaisanuk na may 12 puntos. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with