^

PSN Palaro

Romasanta sa Rio athletes: ‘Wag magpaapekto sa Zika virus, terorismo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lamang ang mga kalaban nila ang makakatapat ng mga Filipino athletes sa darating na 2016 Olympic Games kundi ang Zika virus, polluted bay, local peace and order at tero­rismo sa Rio de Janeiro, Brazil.

Sa kabila nito ay naniniwala pa rin si Philippine Olympic Committee first vice-president Joey Romasanta, ang tatayong Chef De Mission ng de­legasyon sa Rio Olympics, na hindi ito makakaapekto sa kampanya ng mga Pinoy athletes.

“These concerns are being addressed,” ani Romasanta kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate. ““Our athletes don’t allow themselves to lose focus.”

Ang pagkalat ng Zika virus, isang mosquito-borne infection, ay kasalukuyan nang nireresolbahan ng mga organizers bukod pa sa kaligtasan ng halos 10,000 atleta mula sa 206 member countries ng Rio Olympics.

Kamakailan ay tatlong miyembro ng Spanish sai­ling team ang tinutukan ng baril at ninakawan sa isang tourist area sa Rio de Janeiro kung saan sila nagsimulang magsanay.

Ang terorismo rin ang tinututukan ng Brazil, ayon kay Romasanta.

Kabilang sa mga atletang nakakuha na ng tiket para sa Rio Olympics ay sina taekwodo jin Kirstie Elaine Alora, table tennis entry Ian Lariba, boxers Rogen Ladon at Charly Sua­rez, Fil-Am trackstar Eric Cray, long jump specialist Marestella Torres at lady weightlifter Hidilyn Diaz.

May ilan pang Filipino athletes na naghahangad na makakuha ng Olympic slot sa boxing, golf, swimming, weightlifting at basketball.

Wala pang Filipino athlete na nakakakuha ng gold medal sa Olympic Games kung saan ang pinakamalapit ay ang silver medal ni light flyweight Mansueto ‘Onyok’ Velasco noong 1986 Atlanta Games.

Nagdarasal ang Bo­xing Alliances of the Philippines (ABAP) na papayag si dating Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na sumabak sa Olympics matapos ipanukala ng AIBA ang paglahok ng mga professional boxers.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with