^

PSN Palaro

Gabuco pinatalsik ng Chinese boxer

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumasap ng nakapanlulumong kabiguan si Singapore Southeast Asian Games champion Josie Gabuco sa quarterfinals upang tuluyang mamaalam sa kontensiyon sa 2016 AIBA World Women’s Bo­ xing Championship na ginaganap sa Barys Arena sa Astana, Kazakhstan.

Malalakas na suntok ang pinakawalan ni Gabuco laban kay Wang Yuyan ng China subalit bigo pa rin itong makuha ang boto ng mga hurado sa light flyweight class (45-48 kgs.).

Ibinigay ang 3-0 unanimous decision win sa Chinese fighter matapos pare-parehong maglista ng 39-37 desisyon ang mga huradong sina Fernando Servide ng Argentina, Jennifer Huggins ng Canada at Vladislav Malyshe ng Russia.

Mainit na palitan ng suntok ang nasilayan sa pagitan nina Gabuco at Wang sa unang dalawang kanto ng laban.

Dalawang solidong magkasunod na suntok ang ibinato ni Gabuco na kumunekta sa mukha ni Wang sa ikatlong yugto ng laban dahilan upang bahagyang mauga ang Chinese pug.

Sa kabila ng agresibong laro na ibinigay ng Pinay boxer, hindi pa rin ito sapat para matapos ang kanyang kampanya sa torneo.

Ito ang unang pagkakataon sapul noong 2005 na walang nakamit na medalya ang koponan sa torneo.

Noong 2005 sa Russia at 2006 sa India, may dalawang tanso ang Pilipinas habang nagkamit ito ng isang pilak at dalawang tanso noong 2008 sa Ningbo, China, isang tanso noong 2010 sa Barbados, isang ginto noong 2012 sa Qinhuangdao, China, at isang pilak noong 2014 sa South Korea.

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with