^

PSN Palaro

Raptors tumabla sa Heat

Pilipino Star Ngayon

TORONTO--Tiniyak ni Jonas Valanciunas na ang Raptors naman ang mananalo sa overtime.

Umiskor si DeMarre Carroll  ng 21 points, habang kumolekta si Valanciu­nas ng 15 points at 12 rebounds para pamunuan ang Raptors sa 96-92 pa­nalo laban sa Miami Heat at itabla sa 1-1 ang kanilang Eastern Confe­rence semifinals.

Kumamada si Valanciunas ng 11 points at 7 rebounds sa fourth quarter at overtime para iligtas ang Raptors na malasap ang ikalawang sunod na kabiguan ngayong postseason.

Nagdagdag si DeRozan ng 20 points, habang may 18 si Kyle Lowry para sa Toronto, natalo sa Miami sa overtime sa Game 1.

Umiskor naman si Go­ran Dragic ng 20 points kasunod ang tig-17 nina Dwyane Wade at Joe Johnson sa panig ng Heat.

Humakot si Hassan Whiteside ng 13 points at 13 rebounds.

Nakatakda ang Game 3 sa Sabado sa Miami.

Kinuha ng Heat ang 77-70 abante sa gitna ng fourth quarter kasunod ang back-to-back baskets ni Valanciunas at jumper ni Ross na nagtabla sa Raptors sa 80-80 sa huling 2:01 minuto.

Matapos ang jumper ni Lowry sa huling 14.9 segundo na nagbigay sa Toronto ng 86-83 ay isinalpak ni Dragic ang isang tres sa natitirang 10.5 segundo para dalhin ang Miami sa overtime.

Sa overtime ay naimintis ng Heat ang una nilang limang field goal attempts na nagresulta sa ratsada nina DeRozan at Valanciunas para ipanalo ang Raptors.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with