^

PSN Palaro

Labanan ng mga gutom: Game 1 ng Aces-Painters lalarga na

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Colisuem)

7 p.m. RoS vs Alaska (Game 1)

MANILA, Philippines - Parehong uhaw ang Rain or Shine at Alaska sa kampeonato matapos ang bigong pagtatangka sa mga nakalipas na kumperensiya.

Kaya’t asahan ang pukpukang bangayan sa pagitan ng Elasto Pain­ters at Aces sa kanilang PBA Season 41 Commissioner’s Cup best-of-seven championship series na magsisimula nga­yong gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Lalarga ang Game 1 sa alas-7 ng gabi kung saan mag-uunahan ang dalawang ko­ponan na makuha ang 1-0 bentahe na siyang magdidikta sa tempo sa serye.

Noong nakaraang taon, bigo ang RoS na masungkit ang korona ng Commissioner’s Cup nang lumasap ito ng nakapanlulumong 119-121 double overtime loss sa kamay ng Talk ‘N Text Tropang Texters sa winner-take-all Game 7.

“Kinalimutan na namin yung nangyari last year. Mas  naka-focus kami nga­yon sa finals,” ani RoS point guard Paul Lee.

Tumapos ding runner-up ang RoS sa 2012 Philippine Cup, 2013 Philippine Cup at 2014 Governors’ Cup.

Ang Alaska naman ay galing sa dalawang sunod na runner-up--sa 2015 Go­vernors’ Cup at 2016 Philippine Cup na parehong pinagharian ng San Miguel Beer.

Bahagyang nakapagpahinga ang RoS dahil mabilis nitong tinapos ang kanilang best-of-five semifinal series kontra sa San Miguel Beer noong Linggo.

“Advantage lang namin na nakapagpahinga kami ng kaunti pero alam namin na mahirap kalaban ang Alaska. Kailangan namin silang pigilan,” pahayag ni assistant coach Caloy Garcia na siyang naging kinatawan ng RoS sa ginanap na PBA finals press conference kahapon.

Depensa ang ma­g­i­ging armas ng Elasto Pain­ters upang harangin ang anumang pagtatangkang gagawin ng Aces.

“We have to focus on our defense since our offense will always be there,” dagdag ni Garcia na sasandalan sina import Pierre Henderson-Niles, Paul Lee, Maverick Ahanmisi, Raymond Almazan, Jericho Cruz, Jewel Ponferada, Chris Tiu, JR Quiñahan, Jireh Ibañes, Gabe Norwood at Beau Belga.

Pangunahing pag­ku­kunan ng lakas ng Aces si Calvin Abueva - ang Best Player of the Conference top candidate na may a­verage na 18 points, 7.6 rebounds, 2.7 assists at 1.3 steals kada laro.

“Ilang beses na kaming dumaan sa mga ganyang pisikalang laro sa finals and I think we’re ready. Walang time para mag-relax dahil finals na ito. Kailangan na naming ibigay ang lahat,” pahayag ni Abueva.

Magsisilbing puwersa rin si Best Import candidate Robert Dozier kasama sina Chris Exciminiano, Chris Banchero, Noy Baclao, Cyrus Baguio, Dondon Hontiveros at RJ Jazul.

Pakay ng Alaska na masungkit ang kanilang ika-15 korona sa liga habang ang RoS ay naghahangad na makuha ang ikalawang kampeonato.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with