Borlain sister hawak kamay sa tagumpay
MANILA, Philippines – Magkahawak kamay na tinawid ng magkapatid na Samantha at Tara Borlain ang finish line sa kanilang pangunguna sa 2016 Alaska Aquathlon sa The Village Parañaque kamakailan.
Nagsalo sa panalo sina Samantha at Tara sa 13-14 years old female category kasunod sina Everly Janarie Macalalad at Jasmine Relf.
Binanderahan naman ni Joshua Alexander Ramos ang male category na sinundan nina Joe Bernard Sarmiento at Russel Mikolai Villaraza.
Ang 2016 Alaska IronKids ay ang pinakamalaki at kapana-panabik na kompetisyon para sa mga batang lalaki at babaeng may edad 6 hanggang 14-anyos.
Kasama rito ang Olympic size, 100-meter The Village sports club pool at magtatapos sa takbuhan.
Nanguna si Tara ngunit hinintay si Samantha bago tumawid sa finish line.
Namuno naman sina Jaz Villanueva, Catherine Angeli Yu at Alison Ann Noble sa 11-12 years old female class at sina Clifford Pusing, Jojo Miguel Delizo at Matthew Thomas Atumbres ang nagnuna at male category.
Si Aubrey Tom ang nanalo sa 9-10 years old female class kasunod sina Michaela Jasmine Mojdeh at Kira Ellis at sina Michael Gabriel Lozada, Gabriel Labasan, Jabrielle Marcos Delizo at Matt Gian Carlo Molino ang nagwagi sa male category.
Nanaig sina Zurielle Kenzie Galo, Franchezka Borlain at Julia Isobel Tolentino sa 6-8 years old female, habang naghari si Daniel Louw sa male category kasunod nina Ythnmthw Orellano at Gabrielle Gan.
- Latest