Mas mabigat na parusa sa mga gagamit ng mobile phones - Philracom
MANILA, Philippines – Nagtakda ng mas mabigat na parusa ang Philippine Racing Commission ukol sa paggamit ng mobile phones ng Philracom licensees sa restricted areas para mas lalo pang maprotektahan ang interes ng betting public.
Sa Resolution No. 30-16 na ipinasa noong April 13, inamyendahan ang Philippine racing rule (PR) 60 para makasabay sa technological trends sa komunikasyon at naglatag ng mas matinding suspensyon at multa. Ang mga banned gadgets na ginagamit na stewards’ at judges’ stand, jockeys’ quarters, paddocks, starting gate at computer room (para sa pari-mutuel system) ay ang “cellular or mobile phones, personal digital assistants, smartphones.
Ang sinumang Philracom licensee, kabilang ang mga horseowners, trainers at jockeys na gumagamit o humahawak ng ipinagbabawal na devices sa restricted areas sa araw ng karera ay sususpendihin ng anim na buwan at papatawan ng multang P30,000 para sa first offense; one year suspension at multang P60,000 para sa second offense at pagbawi sa lisensya at multang P100,000 para sa third offense.
Dinoble angsuspension periods mula sa dating tatlong buwan at anim na buwan para sa first at second offenses at buhat sa dating one-year suspension para sa third offense ang pagtatanggal ng lisensya ang kaparusahan.
Ang mga racing clubs ay kinakailangang magagay ng closed-circuit television (CCTV) cameras at audio equipment sa restricted areas para sa monitoring ng management ng racing club at Philracom.
- Latest