^

PSN Palaro

Gonzales puntirya ang PH lightweight crown

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Target ni Roberto “Bad Boy from Batangas” Gonzales ng Saved by the Bell Promotion na masungkit ang national lightweight title sa pakikipagtuos nito kay Arjan ‘‘Spartan” Canillas ng ALA Boxing Stable sa Marso 12 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magsisilbing armas ng 5-foot-7 na si Gonzales ang kanyang bilis upang pabagsakin si Canillas sa kanilang bakbakan na itinuturing na isa sa pinakaaabangang laban sa lokal na senaryo.

‘‘This is a very exciting match. Both boxers have wonderful records. They are not patsies,” pahayag ni Saved by the Bell Promotion chief Elmer Anuran.

Hawak ni Gonzales ang 26-2-0 (16 knockouts) na rekord samantalang si Canillas ay may taglay na 13-0-2 (10 knockouts) baraha.

Nagsimulang lumaban si Gonzales sa boxing tournament sa isang barangay sa Puerto Galera, Oriental Mindoro kung saan dati itong bangkero bago sumabak sa ibabaw ng ring.

“Sanay si Berto sa mga laban sa barangay kaya grabeng magpaulan ng mga suntok,” dagdag ni Anuran.

Kinakailangan ni Gonzales na mag-ingat dahil hindi basta basta ang kanyang makakalaban.

Si Canillas na may taas na 5-foot-8 ay hawak ng world-class trainer na si Edito Villamor.

Nagtala ng impresibong panalo si Canillas laban kay Eusebio Baluarte noong Dec. 18 sa Toledo City.

Nauna nang natalo si Gonzales kay Hirohito Fukuhara ng Japan noong Nobyembre na ginanap sa Hyogo, Japan subalit nakabawi ito matapos itala ang anim na sunud-sunod na panalo tampok ang dalawang knockouts.

Masisilayan rin ang laban nina Abe ‘‘Real Deal” Concepcion (34-6-2, 20 KOs) at Jimmy Paypa (17-3-1) ng ALA Boxing Stable. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with