^

PSN Palaro

Dula, Mojdeh at Del Rosario hinirang na Most Outstanding Swimmers

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

TOKYO - Maningning na tinapos ng Philippine Swimming League (PSL) ang kanilang kampanya nang tatlong swimmers nito ang hinirang na Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtiklop ng 2016 Tokyo Winter Swimming Championship sa St. Mary’s International School swimming pool dito.

Ito ay matapos na tumangay ng tig-apat na gintong medalya sina Marc Bryan Dula, Micaela Jasmine Mojdeh at Joey Del Rosario sa kani-kanilang nilanguyang events.

Pinakinang ng 8-anyos na si Dula, mag-aaral ng Weisenheimer Academy, ang kampanya ng PSL sa paggiba ng dalawang record sa boys’ 8-years  50 meter butterfly (38.08) at 50m backstroke (39.45) na nagputong sa kanya bilang MOS katabla si Del Rosario na kapwa lumikom ng tig-36 puntos sa four-day meet.

Ang dalawa pang ginto ni Dula ay mula naman sa 25m butterfly (17.83) at 25m backstroke (19.41).

Nilangoy naman ni Del Rosario ang kanyang mga ginto sa boys’ 8-year 25m freestyle (16.76), 50m freestyle (35.44), 25m breaststroke (22.60) at 50m breaststroke (48.06).

Ginapi nina Dula at Del Rosario ang lahok ng host team na si Jo Sendal na may 32 puntos para sa ikatlong puwesto.

Kinuha ng Japanese tanker na si TeijuAjeesh ang ikaapat na puwesto sa kanyang 26 puntos at nasa ika-limang posisyon ang lahok ng Great Britain na si Daniel Qulete na may 23 puntos.

Nilunod naman ni Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque ang gintong medalya sa girls’ 9-10 years sa pagposte ng bagong marka na 50m breaststroke sa tiyempong 42.92.

Humataw din si Mojdeh ng ginto sa 50m breaststroke (42.95), 100m butterfly (1:19.47) at 100m breaststroke (1:31.96) at makalikom ng 36 puntos na gumapi sa mga kalabang sina Ariana Hill ng Great Britain (34), Natsuki Uchino ng Japan (28), Madison Lind ng Germany (28) at Lisa Purcell ng Japan (23).

Nagtala ang mga Pinoy tankers ng kabuuang 259 puntos para upuan ang ikaapat na posisyon sa hinakot na 13 golds, 7 silver at 6 bronze medals sa likod ng overall champion na host team St. Mary’s School na may naipong 1,552 puntos.

Nasa ikalawang puwesto naman ang The British School sa Tokyo na may 620 puntos at tumersera ang Jo­kosuka Junior Seahawks na ma 315 puntos.

Ang isa pang gintong medalya ng Pambansang de­­legasyon ay nagmula kay reigning Male Swimmer of the Year Sean Te­rence Zamora.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with