^

PSN Palaro

Phoenix-FEU nakisosyo sa liderato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumiretso ang Phoenix-FEU sa kanilang ikatlong sunod na panalo para makisosyo sa liderato nang pabagsakin ang UP QRS/JAM Liner, 98-84, sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa San Juan Arena.

Mula sa 2-14 pagkakabaon sa Maroons ay kumamada ang Accelerators para kunin ang 16-point halftime lead, 55-39, hanggang iposte ang 65-41 kalamangan sa gitna ng third quarter.

Nakalapit ang UP sa 74-85 agwat bago selyuhan ni­na Mac Belo at Roger Pogoy ang pangatlong sunod na rat­sada ng Phoenix-FEU para tumabla sa CafeFrance at Caida Tiles sa liderato.

 Sa ikalawang laro, dinaig ng BDO-NU ang AMA University, 93-87, para sa una nilang panalo sa tatlong laro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with