^

PSN Palaro

Dula nilangoy ang ikatlong ginto at nagposte ng bagong record

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

TOKYO -- Itinaas ni Marc Bryant Dula ang kampanya ng mga Pinoy swimmers na isinabak ng Philippine Swimming League (PSL) sa 2016 Tokyo Winter Swimming Championsip sa pagwasak ng dalawang marka sa Day 2 ng kompetisyon na idinadaos sa St. Mary’s International School swimming pool dito.

Kinubra ng 8-anyos na si Dula, mag-aaral mula sa Weisenheimer Academy, ang kanyang ikatlong ginto sa boys 8-years 50meter butterfly na tinampukan ng pagsira sa  16-taong rekord ni Aki Ishiwata ng host country na 38:18 sa isinumiteng tiyempo na 38.08.

Nilunod din ni Dula ang  marka ni Andrew Kershaw ng Great Britain na 40.32 sa 50m backstroke sa kinamadang 39.45 segundo para sa kanyang ikaapat na gintong medalya sa torneo.

“Gusto ko lang maging masaya ang lolo Alex ko kaya ginawa ko ang best ko. Unang birthday gift ko sa kanya,” wika ni Dula.

Umagaw din ng eksena ang 9-anyos na si Micaela Jasmine Mojdeh, mag-aaral mula sa Immaculate Heart of Mary College-Parañaque, nang kanyang tabunan ang 36.26 segundo na marka ni Irish Kershaw ng Great Britain sa pagpoposte ng 35.25 segundo sa 9-10 years 50m butterfly.

Nagreyna rin si  Mojdeh  sa 50m breaststroke sa ti­yempong 42.95 segundo para sa kanyang ikaapat na gold medal.

Nagparamdam din si Sean Terence Zamora ng Uni­versity of Santo Tomas nang kanyang kubrahin ang unang ginto sa boys’ 15-over 200m indvidiual Medley sa pagposte ng 2:12.85 segundo.

Kinuha naman ng ka-teammate niyang si Martin Ja­cob Pupos ng National University ang silver medal sa kinamadang 2:17.47 tiyempo

Ang iba pang sumikwat ng medalya ay sina Drew Ben­neth Magbag ng University of the Philippines na lu­­mangoy ng medalyang pilak sa boys’ 15-over 200m breaststroke sa oras na 2:30.30, habang nagdagdag pa si Pupos ng isang tansong medalya sa 100m freestyle sa tiyempong 54.93.

Nakasiguro rin ng medalyang pilak sina Drew Magbag ng University of the Philippines sa boys’ 15-over 200m breaststroke (2:37.22), habang nakasikwat rin si­ya ng tansong medalya sa 200m backstroke (2:30.30) gayundin si Pupos na pumangatlo sa 100m freestyle (54.93).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with