^

PSN Palaro

Spurs dinurog ang Mavericks

Pilipino Star Ngayon

DALLAS - Isang mala­king grupo ng San Antonio sa Dallas crowd ang sumi­gaw ng “go, Spurs, go’” sa isang timeout matapos maibaon ang Mavericks sa kanilang pinakamalaking halftime deficit sa franchise history.

Hindi nagkaroon naman ang home team ng pag­kaka­taong makasagot sa ka­nilang mga fans.

Humugot si Kawhi Leo­nard ng 16 sa kanyang 23 points sa first half at dumiretso ang Spurs sa 116-90 pagdurog sa Mavericks.

Nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 14 points at 10 rebounds sa una niyang laro sa kanyang hometown matapos pumirma ng isang four-year, $80 million contract sa Spurs.

Dinuplika ng San Antonio (42-8) ang kanilang best 50-game start sa pagkubra sa pang-14 panalo sa huling 16 laro laban sa kanilang Texas rival.

“Guys are just locked in,” sabi ni Aldridge. “We un­derstand that on the road is hard, so guys are al­ways more locked in on the road.”

Umiskor naman si Patty Mills ng 10 sa kanyang 16 points bago ang halftime nang kunin ng Spurs ang 36-point lead, 62-26.

Hindi naging problema sa Spurs ang pagpigil sa kanilang two-game road skid sa Golden State Warriors at sa Cleveland Cavaliers sa una nilang laro matapos sumailalim si Manu Ginobili sa surgery para sa kanyang testicular injury na nagpaupo sa kanya ng isang buwan.

Ito naman ang pang-anim na laro na ipinahinga ni Tim Duncan dahil sa pananakit ng kanyang kanang tuhod.

Tanging si Dirk Nowitzki ang Dallas starter na nagtala ng double figures sa kanyang 10 points.

Ang lahat ng starters ng Mavericks ay nasa bench sa dulo ng third quarter.

Naglista sina Charlie Villanueva at rookie Justin Anderson ng tig-13 points para pamunuan ang Mavericks.

Ibinigay ni Leonard sa Spurs ang kanilang unang 10-point lead sa 20-10 patungo sa 34-14 bentahe sa second quarter.

Sa Cleveland, nagsalpak si Avery Bradley ng isang 3-pointer bago tumunog ang final buzzer para itakas ang  Boston Celtics sa Cavaliers, 104-103.

Ito ang pang-walong panalo ng Celtics sa kanilang huling siyam na laro.

Tumapos si Isaiah Tho­mas na may 22 points, samantalang kumolekta si Evan Turner ng 19 points at 12 rebounds para sa Bost­on.

Pinamunuan naman ni LeBron James ang Cavaliers ni rookie coach Tyrone Lue sa kanyang 30 points.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with