^

PSN Palaro

Pacers tinakasan ang Lakers; Bryant handa nang magretiro

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES — Nagsalpak si Kobe Bryant ng krusyal na three-pointer sa natitirang 11 segundo sa isang one-point game.

Nagdiwang ang Los Angeles Lakers’ crowd dahil sa ginawa ni Bryant.

Matapos ito ay tumira naman si Bryant ng isang kapos na tres sa huling 6 segundo at ang lahat ay  natauhan kung bakit handa na ang Lakers’ su­perstar na iwanan ang basketball matapos ang season.

Humugot si Bryant ng 13 points mula sa masamang 4-of-20 fieldgoal shooting matapos magdesisyon na magreretiro sa pagtatapos ng season.

Ipinatikim ng Indiana Pacers ang ikaanim na sunod na kamalasan ng Lakers sa bisa ng 107-103 panalo.

Ipinakita ni Bryant ang kanyang husay nang mag­salpak ng dalawang mahalagang jumpers.

Ngunit hindi niya naga­wang sapawan si Pa­cers’ star Paul George na kuma­mada ng 11 points sa huling 1:27 minuto para tumapos na may 39 mar­kers.

Ang tres ni Bryant ang nagdikit sa Lakers sa 103-104 agwat sa Pacers, nagtayo ng 22-point lead sa second half.

Nang maibalik ang bola sa Lakers matapos ang basket ni George para sa three-point lead ng Pacers  ay tumira ng ka­pos na tres si Bryant.

Sa likod naman ni George ay nakamit ng Indiana ang kanilang pang-limang sunod na panalo.

Nagtala si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 22 points at career-high na 10 rebounds para sa Lakers.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRYANT

FIL-AM

HUMUGOT

INDIANA PACERS

JORDAN CLARKSON

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

PAUL GEORGE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with