^

PSN Palaro

Eagles, Tigers maghihiwalay

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Mall of Asia Arena)

2 p.m. UP vs NU

4 p.m. Ateneo vs UST

MANILA, Philippines – Hangad ng Blue Eagles ang kanilang ikaapat na sunod na panalo para makasosyo sa liderato, samantalang target ng nagdedepensang Bulldogs ang pangatlong dikit nilang ratsada.

Lalabanan ng Ateneo De Manila University ang University of Sto. Tomas ngayong alas-4 ng hapon matapos ang upakan ng National University at University of the Philippines sa alas-2 sa 78th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ipinoste ng Blue Eagles ang kanilang ikaapat na sunod na arangkada nang talunin ang  77-72, noong Setyembre 19 kung saan nagsalpak si Von  Pessu­mal ng 21 points mula sa kanyang 6-of-10 shooting sa three-point line.

Kumamada naman si star player Kiefer Ravena ng 15 points, 9 rebounds at 9 assists para sa Ateneo.

“Although they are tired, Kiefer nearly had a triple-double and Von, for the first time, got his shots from the outside,” sabi ni coach Bo Perasol kina Ravena at Pessumal.

Magpipilit namang bu­mangon ang UST mula sa 54-55 kabiguan sa NU noong Setyembre 19  na siyang tumapos sa kanilang tatlong sunod na panalo.

Ang nasabing panalo ng Bulldogs ang bumasag sa kanilang tatlong sunod na kamalasan.

Mula naman sa 0-3 pa­nimula ay dumiretso ang Bulldogs sa kanilang ikalawang sunod na ratsada, ang huli ay nang durugin ang Adamson Falcons, 75-54, noong nakaraang Miyerkules.

Sa nasabing panalo ng NU kontra sa Adamson ay kumolekta si Nigerian import Alfred Aroga ng 16 points, 8 rebounds, 4 assists at 2 steals.

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ALFRED AROGA

ANG

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

BO PERASOL

KIEFER RAVENA

LARO NGAYON

MALL OF ASIA ARENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with