^

PSN Palaro

Valdez humataw ng 32 points sa panalo ng Ateneo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nakita ang ba­ngis ng Ateneo Lady Eagles kapag nauunahan sa unang dalawang set sa pamama­gitan ng 23-25, 18-25, 25-8, 25-20, 15-10 panalo laban sa kinapos na St. Benilde Lady Blazers sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanumbalik na ang ga­ling ni Alyssa Valdez nang maghatid siya ng confe­rence-high na 32 puntos mula sa 26 kills, limang aces at isang blocks at ang UAAP champions na Lady Eagles ay may 4-0 karta sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Siya ang nanguna sa pagbangon ng Lady Eagles sa ikatlong set at sa deci­ding fifth set ay nagpaka­wala ng anim na puntos sa pinakama­gandang laro niya sa conference.

“Nag-work ang teamwork naman matapos ang 0-2 at andoon din si coach Tai (Bundit) para gabayan kami,” wika ni Valdez sa na­ging diskarte sa pagbangon.

Lumamang ang Lady Bla­zers sa 5-4 sa atake ni Jannine Navarro bago gumanti ng kill si Valdez at sa kanyang serve ay nagkaroon ng dalawang aces para big­­yan ang Ateneo ng 9-5 ka­lamangan.

May 11 puntos, tampok ang tatlong blocks at tatlong aces, si Bea De Leon na tila regalo sa sarili ang ipinakita dahil magdiriwang siya ng kanyang kaarawan ngayon.

Si Jhoanna Maraguino ay may walong attack points tungo sa siyam na puntos bukod sa pitong digs, habang si Gizelle Tan ay may 35 excellet sets.

Ang converted na libero na si Ella de Jesus ay may 11 digs at siyam na excellent receptions.

May 17 puntos si Jeanette Panaga, habang 14 ang ibinigay ni Navarro pa­ra sa Lady Blazers na na­walan ng kumpiyansa nang durugin sa third set.

Tinalo naman ng Arellano Lady Chiefs ang University of Batangas Mighty Brahmans, 25-4, 25-23, 25-16.

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

BEA DE LEON

COLLEGIATE CONFERENCE

GIZELLE TAN

GROUP B

LADY EAGLES

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with