^

PSN Palaro

George sumabak na sa ensayo ng Pacers

Pilipino Star Ngayon

INDIANAPOLIS – Matapos ang halos pitong buwan mula nang mabalian ng binti, tinapos ni Paul George ng Indiana Pacers ang kanyang unang full practice na mas maaga ng tatlong araw sa kanyang iskedyul.

Tinatanong ngayon kung kailan siya maglalaro.

“I’ve got LeBron tomorrow night,” pagbibiro ni George sa pagsagupa ng Pacers laban sa Cleveland Cavaliers sa Biyernes.

Habang walang tsansang  mangyayari ito, nakikita naman ang mabilis na pagbangon ng two-time All-Star mula sa kanyang right leg injury sa scrimmage ng US Team.

Bago ang injury ay iginiya ng 24-anyos na forward ang Pacers sa Eastern Conference finals sa nakaraang dalawang seasons.

Sa ilang pagkakataon ay tila ipinakita ni George ang kanyang dating porma.

Nakasabayan niya sa ensayo ang mga regular star­ters ng Pacers kung saan siya tumipa ng mga long range at midrange shots.

vuukle comment

BIYERNES

CLEVELAND CAVALIERS

EASTERN CONFERENCE

HABANG

INDIANA PACERS

MATAPOS

NAKASABAYAN

PAUL GEORGE

TINATANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with