^

PSN Palaro

Sa step-ladder semifinals Lady Bulldogs, Lady Tams patayan

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m.  NU vs UST (Men’s Final Four sudden-death)

4 p.m.  FEU vs NU (Wo­men’s step-ladder semis)

 

MANILA, Philippines - Itataya ngayon ng Na­­­tional University Lady Bulldogs ang pagiging pa­ngatlong pinakamahusay na koponan sa elimination round sa pagharap sa ins­piradong FEU Lady Tamaraws sa pagsisimula ng 77th UAAP women’s volleyball step-ladder semifinals sa SMART Araneta Coliseum.

Tumapos ang Lady Bulldogs bitbit ang 8-6 karta at naipanalo nila ang huling tatlong laro para magkaroon ng momentum sa playoffs.

Ang laro ay magsisi­mula sa ganap na alas-4 ng hapon pero mauunang mag­tagisan ang nagdedepen­sang kampeon sa kalalakihan na NU  Bulldogs at UST Tigers sa alas-2 ng hapon.

Ang magwawagi sa NU at UST ang siyang makakakuha ng karapatan na labanan ang top team sa elimination na Ateneo Eagles sa  best-of-three finals.

Umabante agad ang Ateneo nang kalusin ang Adamson Falcons matapos ang four-set panalo sa Final Four noong Miyerkules habang winalis ng Bulldogs  ang twice-to-beat advantage ng Tigers sa isa ring four-set panalo.

“Mahalaga ang may winning momentum. We have to be in a very confident level,” wika ni NU coach Roger Gorayeb na pumasok sa koponan noong nagkaroon ng 2-3 panimula.

Dapat na may kumpiyansa ang Lady Bulldogs dahil umaapaw ang tiwala ng Lady Tamaraws na aabante pa.

Tinalo ng FEU ang UST Tigresses sa kapana­panabik na limang set na labanan sa knockout game para magpatuloy ang paghahangad ng titulo.

Ito na ang ikatlong do-or-die game na hinaharap ng Lady Tamaraws at kung maalpasan ang pang-apat ay makukuha ang karapatan na labanan ang second seed at may twice-to-beat advantage La Salle Lady Archers.

Naghati ang FEU at NU sa dalawang pagkikita kaya’t asahan ang mas ma-tinding bakbakan.

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ARANETA COLISEUM

ATENEO EAGLES

FINAL FOUR

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LADY BULLDOGS

LADY TAMARAWS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with