^

PSN Palaro

Bakbakang umaatikabo sa serye ng Aces at Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsagupa na sila sa semifinal round ng nakaraang PBA Governors' Cup kung saan inungusan ng Rain or Shine ang Alaska, 3-2, sa kanilang best-of-five series.

Sinabi ni Aces' head coach Alex Compton na isang matinding serye ang mu­ling masasaksihan ng mga PBA fans sa kanilang best-of-seven semifinals duel ng Elasto Painters sa 2014-2015 PBA Philippine Cup.

“I expect that to be a great series. I expect that to be like our elims match that came down to the last play,” Compton.

Nakatakda ang Game One bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa kanilang unang pagkikita sa elimination round ay tinakasan ng Elasto Painters ang Aces, 98-95.

Walang masamang si­nabi si Compton kay Guiao at sa halip ay pawang pagpuri ang kanyang sinagot sa post game interview sa kanya noong Linggo matapos ang 87-69 panalo sa Meralco sa ikalawang knockout phase ng quarter­finals.

“Si coach Yeng ay isa sa pinakamagaling na coach sa liga,” sabi ni Compton, naging assistant ni Guiao sa Rain or Shine. “Sa kanila ako nagsimula ng coaching ko and I respect coach Yeng and the whole Rain or Shine organization.”

“The hardest player I’ve ever played with is my bro­ther. You can love and still play your best. The game shouldn’t affect the re­lationship,” dagdag pa ng American coach.

Bagama't nirerespeto ni­ya si Guiao, hindi naman maaaring maging ma­galang si Compton sa ka­nilang semifinals showdown.

Lalo na at dalawang knockout matches ang di­naanan ng Alaska para la­mang makapasok sa se­mis at makaharap ang Elasto Painters.

Kinailangang talunin ng Alaska ang NLEX Road Warriors at ang Meralco Bolts sa dalawang 'do-or-die' games sa quarterfinals.

Awtomatiko namang na­kamit ng Rain or Shine ang No. 2 berth sa semifi­nals makaraang tapusin ang eliminasyon sa 9-2.

vuukle comment

ALEX COMPTON

COMPTON

ELASTO PAINTERS

GAME ONE

GUIAO

MALL OF ASIA ARENA

MERALCO BOLTS

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with