^

PSN Palaro

Azkals puntirya ang semis vs Indons

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

HANOI – Ikalawang sunod na panalo na magsisilbing tiket para sa crossover semifinals ang hanap ng Philippine Azkals sa inspiradong Indonesian team sa pagpapatuloy ngayon ng 2014 AFF Suzuki Cup sa My Dinh Stadium dito.

Ang laro ay magsisimula sa alas-4 ng hapon (5 p.m. sa Pinas) at mapapanood ito ng live sa ABS-CBN Sports and Action.

Galing ang Azkals sa impresibong 4-1 panalo sa Laos sa pagbubukas ng kompetisyon at kung masundan pa ito ng tagumpay sa Indonesia ay magkakaroon ang Pambansang koponan ng anim na puntos para umabante na sa semifinals sa ikatlong sunod na edisyon.

Hindi magiging madali ang larong ito lalo pa’t ang Indons team ay bumangon mula sa 0-2 iskor at naitabla ang laro kontra sa  host Vietnam sa 2-2.

Ang Indonesia rin ang nakaharap ng Pilipinas sa semifinals noong 2010 edisyon at winalis ng una ang dalawang laro para mapatalsik ang Pambansang koponan.

vuukle comment

ANG INDONESIA

AZKALS

IKALAWANG

INDONS

MY DINH STADIUM

PAMBANSANG

PHILIPPINE AZKALS

PILIPINAS

SPORTS AND ACTION

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with