^

PSN Palaro

Must-win sa Lady Stallions

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Muntinlupa Sports Complex)

 2 pm Mane ‘N Tail

vs Petron (W)

4 pm  Generika vs RC Cola-Air Force (W)

6 pm  Cignal

vs Cavite (M)

 

MANILA, Philippines - Sisikapin pa ng Mane ‘N Tail Lady Stallions na panatilihing buhay ang tsansa na makalaro sa semifinals ng 2014 Philippine Superliga na handog ng Asics sa pag-asinta ng panalo laban sa nangungunang Petron Lady Blaze Spikers ngayon sa Muntinlupa Sports Complex, Muntinlupa City.

Ito ang una sa dalawang magkasunod na out-of-town games ng ligang inorganisa ng Sports Core at suportado pa ng Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Sa darating na Miyer­kules ay lilipat ang aksyon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna para sa pagtatapos ng elimination round sa kababaihan.

Sa ganap na alas-2 ng hapon mapapanood ang nasabing laban at kung manalo ang Lady Stallions (3-6) ay dapat pa silang ma­nalangin na matalo rin ang Cignal (4-5) sa Foton sa Miyerkules para  magkatabla ang dalawa sa 4-6 baraha.

Kapag nangyari ito, mauuwi sa quotient system ang pagdetermina sa ikaapat at huling koponan na aabante sa Final Four.

Ang Generika Life Sa­vers at RC Cola-Air Force  Raiders ay magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-4 para malaman kung sino ang ookupa sa ikalawang puwesto habang ang hu­ling laro dakong alas-6 ng gabi ay sa hanay ng Cignal at Cavite sa semifinals sa kalalakihan. (ATan)

vuukle comment

ALONTE SPORTS ARENA

ANG GENERIKA LIFE SA

CAVITE

CIGNAL

COLA-AIR FORCE

FINAL FOUR

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS

MUNTINLUPA SPORTS COMPLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with