^

PSN Palaro

RC Cola-Air Force hiniya ang Foton, Cignal sumampa sa itaas

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nawala ang pokus ng  Cignal HD Lady Spikers matapos ang mainit na paglalaro ni Kristy Jaeckel para ipalasap sa expansion team Mane ‘N Tail ang unang kabiguan, 25-15, 22-25, 25-19, 26-24, at hawakan ang liderato sa 2014 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na handog ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome.

Si Lindsay Stalzer ay may 23 kills tungo sa 25 puntos habang si Sarah Ammerman ay may 15 kills at limang aces tungo sa 22 puntos para ibigay sa Cignal ang ikalawang sunod na panalo sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstor, LGR at Jinling Sports.

Itinabla ng RC Cola-Air Force Raiders ang karta sa 1-1 sa pamamagitan ng 25-13, 25-20, 25-14, straight sets panalo laban sa baguhang Foton sa ikalawang laro.

Sina Iari Yongco at Maika Ortiz ang nagdala ng laban sa Raiders sa kanilang 12 at 11 puntos para maisantabi ang unang pagkatalo sa kamay ng Cignal.

May 31 puntos si Jaec­kel para mailista ang pinakamataas na hits na ginawa sa liga kasunod ng 37 puntos ni Dindin Santiago noong nakaraang conference.

“Hindi ko inexpect na ganoon kalakas ang import nila. Pero naroroon pa rin ang focus at sinunod ng setter ko na gamitin ang combination plays,” wika ni Cignal coach Sammy Acaylar.

Dikdikan ang nangyari sa fourth set pero nasa­yang ang paghihirap ng Lady Stallions dahil sa mga errors upang lasapin ang unang pagkatalo sa liga.

“Masuwerte ako at magagaling ang mga imports ko at nakikinig din sila sa mga sinasabi ko,” ani pa ni Acaylar.

Magkakaroon ng pagkakataon ang Mane ‘N Tail na makabawi sa pagka­talong ito sa pagharap sa Petron Lady Blaze Spi­kers sa Sabado sa out-of-town game sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

vuukle comment

CIGNAL

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

GRAND PRIX

HEALTHWAY MEDICAL

ILOCOS SUR

JINLING SPORTS

N TAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with