^

PSN Palaro

Anuran may tiwala pa kay Concepcion

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi sasayangin ni da­ting two-time world challen­ger Bernabe Concepcion ang pagtitiwala na ibinibigay sa kanya ng promoter na si Elmer Anuran para maibalik ang dating sigla ng kanyang boxing career.

“Alam ko sa sarili ko na meron pa ako,” ani Concepcion. “Iniisip ko itong binigay na chance para maibalik ‘yung dati kaya nagsisikap akong muling makuha ‘yung kondisyon ko.”

Ang 26-anyos na si Concepcion na tinaguriang “The Real Deal” ay dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon kasama ang manager na si Ryan Gabriel at Anuran ng Saved By The Promotion para ibalita ang plano para sa tubong Virac, Catanduanes at may ring record na 32 wins (18KO), 6 losses at 2 tabla.

Sinabi ni Anuran na nakita niya na may  ilalabas pa si Concepcion matapos labanan ang matibay ding si Eden Sonsona noong Hulyo 26 sa Mandaluyong City. Nauwi ang laban sa tabla bunga ng putok dala ng accidental head butt sa ikatlong round.

“Naniniwala ako na kaya pa niyang lumaban at tutulungan ko siya na mabigyan ng exposure. Sa nakita ko ay maling timbang ang kanyang nilabanan noon kaya ngayon ay bababa siya mula 126 pounds (featherweight) tungo sa 122 pounds (super bantamweight),” wika ni Anuran.

Sa Enero sisimulan ang pag-usad ni Concepcion para maipakilala uli ang sarili hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na mapalaban sa isang world title.

“Isang regional title ang lalabanan ni Bernabe sa Enero para makakuha ng ratings. I believe at 122 pounds, we will have a real deal who can carry the pride of Philippine boxing,” dagdag ni Anuran.

Si Concepcion ay isang dating WBC Youth World Super bantamweight title na dalawang beses na lumaban sa WBO featherweight title pero natalo sa kamay nina Steve Luevano at Juan Manuel Lopez noong 2009 at 2010.

vuukle comment

BERNABE CONCEPCION

CONCEPCION

EDEN SONSONA

ELMER ANURAN

JUAN MANUEL LOPEZ

MANDALUYONG CITY

REAL DEAL

RYAN GABRIEL

SA ENERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with