^

PSN Palaro

Magsasaka pinagtataga ang asawa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila nang pagmamakaawa, walang habas na pinagtataga ng isang magsasakang may depression ang kanyang asawa sa bayan ng Tupi sa South Cotabato.

Ayon sa mga kapitbahay, narinig nilang nagtatalo ang mag-asawang sian Argie Villarubia at misis niyang si Rona Mae bago maganap ang insidente.

Base sa imbestigasyon, pinagtataga ni Archie ang asawa gamit ang isang machete kahit na panay ang pagmamakaawa ni Rona Mae.

Nagtangka rin si Archie na wakasan ang sariling buhay sa pagtaga sa sarili at paglaslas ng pulso.

Duguan at nakahandusay na sa sahig nang maabutan ng mga awtoridad si Rona Mae ngunit tuluyan itong binawian ng buhay habang isinisugod sa ospital.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospial si Argie na napag-alamanang gumagamit ng anti-depressants matapos resitahan ng neurologist.

Hindi pa malaman kung magsasampa ng kaso ang kamag-anak ni Rona Mae kay Archie.

vuukle comment

ARGIE

ARGIE VILLARUBIA

AYON

DUGUAN

KASALUKUYANG

MAE

NAGTANGKA

RONA

RONA MAE

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with