^

PSN Palaro

San Beda papasukin na ang semis vs Lyceum

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagbabalakan nga­yon ng four-time defen­ding champion San Beda Red Lions ang ikasiyam na sunod na pagtapak sa Final Four sa paggapi sa Lyceum Pirates sa 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Ika-13 panalo sa 15 laro ang makukuha ng Lions kung manalo sa Pirates sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ang Arellano Chiefs at Emilio Aguinaldo College Generals ang magsusukatan sa tampok na laro dakong alas-4 at kakapit pa ang una sa ikalawang puwesto kung mangibabaw sa tagisan.

Naka-playoff na ang tropa ni coach Boyet Fernandez pero asahan na hahataw pa ang koponan para tumibay ang paghahabol sa kanilang ikalimang sunod na titulo.

“Goal namin ay makapasok sa Final Four at ngayon na puwede itong mangyari ay gagawin namin ang lahat para maabot na ito,” wika ni Fernandez na galing sa mabangis na 73-44 pagdurog sa Letran Knights.

Asahan naman na ga­gawin ng Pirates ang lahat ng makakaya para maibangon din ang puri sa tinamong 68-84 pagkatalo sa Lions.

Kapantay ng tropa ni coach Bonnie Tan ang Knights sa 6-8 baraha at kailangan nilang maipanalo ang nalalabing apat na laro para makahirit ng playoff para sa Final Four.

Pakay din ng Chiefs na maulit ang 80-73 panalo sa Generals para kumapit pa sa ikalawang puwesto. (AT)

vuukle comment

ANG ARELLANO CHIEFS

BONNIE TAN

BOYET FERNANDEZ

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

SAN BEDA RED LIONS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with