^

PSN Palaro

P-Noy bumilib sa ipinakita ng Gilas laban sa Argentina

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinuri pa rin ni Pangulong Benigno Aquino III ang ipinakita ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup kahit hindi ito nagwagi sa kanilang mga laban.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., maganda ang ipinamalas na laro ng Gilas Pilipinas bagama’t hindi sila nagwagi sa kanilang laban.

“Ito po ang panawagan natin:  Patuloy nating suportahan ang kampanya ng koponang Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup Basketball Championship. Tunay na kahanga-hanga ang ipinapakitang husay at tapang ng mga manlalarong Pilipino bagama’t kalaban nila ay higit na malaki at matangkad na mga manlalaro,” wika pa ni Sec. Coloma.

Aniya, kapag nagwagi ang Gilas Pilipinas sa kanilang huling dalawang laro, may pag-asa ang pangkat nating mabilang sa apat na koponan mula sa Group B na magtutunggali sa susunod na bahagi ng kompetisyon--ang Round of 16, na susundan ng quarterfinals, semifinals, at Finals sa paraang knockout o direct elimination.

“Kapansin-pansin ang matatag na laro ng mga Pilipino na kasalukuyang nasa rank 34 ng FIBA laban sa mas matatayog na pangkat: Argentina (3); Greece (5); Croatia (20)  at Puerto Rico (17). Ta­nging Senegal lamang na nasa rank 37 ang may mas mababang ranggo sa Pilipinas,” paliwanag pa ni Coloma sa media briefing sa Malacañang kahapon.

Ayon pa kay Coloma, dapat lamang ipagbunyi ng bawat Filipino ang ipinakita ng Gilas Pilipinas at marami tayong dahilan upang magbunyi.

vuukle comment

COLOMA

GILAS PILIPINAS

GROUP B

HERMINIO COLOMA JR.

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINO

PUERTO RICO

WORLD CUP

WORLD CUP BASKETBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with