^

PSN Palaro

Jeff Chan nanghinayang sa tsansang makalaro si Ginobli

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dismayado at nanghihinayang si Gilas Pilipinas shooting guard Jeff Chan matapos marinig ang balitang hindi na makalalaro si NBA superstar Manu Ginobli sa FIBA World Cup ngayong buwan.

Sinabi ni Chan na nais pa naman niyang makalaban si Ginobli na manlalaro sana ng Argentina na kasama sa bracket ng Pilipinas.

"Gusto ko talaga siya makalaro pero wala tayo magagawa kasi injured [yata] siya,” wika ni Chan ngayong Biyernes.

May iniindang stressed fracture sa kanyang kanang binti si Ginobli na kapapanalo lamang ng championship sa NBA para sa koponan ng San Antonio Spurs nitong Hunyo.

"Pero kung wala siya, excited pa rin ako maglaro because ang mga kalaban natin dito magagaling at sila yung mga top countries sa buong mundo," banggit ni Chan.

Bukod sa Argentina, makakalaban pa ng Pilipinas ang Croatia, Greece, Puerto Rico at Senegal.

vuukle comment

BIYERNES

BUKOD

CROATIA

GILAS PILIPINAS

GINOBLI

JEFF CHAN

MANU GINOBLI

PILIPINAS

PUERTO RICO

SAN ANTONIO SPURS

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with