^

PSN Palaro

Khan nais makalaban si Pacquiao sa Mayo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi mawawalan ng makakalaban si Manny  Pacquiao sa unang hati ng 2015.

Ipinahayag ni 27-anyos British boxer na  si Amir Khan na nais niyang sukatin ang dating sparring par­t­ner na si Pacquiao sa Mayo kung  hindi matutuloy ang hangad na laban kontra kay Floyd Mayweather Jr.

Si Pacquiao  ay nakatakdang magdepensa ng WBO welterweight title sa Nobyembre 22 laban kay Chris Algieri habang si Khan na WBA Silver at International welterweight champion ay inaasahang sasampa uli ng ring sa Disyembre kontra alinman kina Robert Guerrero o Devon Alexander.

Nauna nang ikinonsi­dera si Khan para makalaban ni Mayweather sa Setyembre pero naudlot ito at pinili ng pound for pound king ang bigyan ng rematch si Marcos Maidana.

“If the Mayweather fight happens, it happens. If it doesn’t, it doesn’t,” wika ni Khan sa The Telegraph.

Wala namang nakikitang problema si Khan kung si Pacquiao ang kanyang tutukan dahil katulad siya ni Mayweather na tini­tingala sa pinaglalabanang dibisyon.

“Manny Pacquiao is ano­ther name. What a great story line that would make. Amir Khan fighting his old sparring partner and friend, Manny Pacquiao,” dagdag nito.

Nagkasama sa pagsasanay sina Khan at Pacquiao dahil dating sinasa­n­ay ang una ni Freddie Roach.

Wala namang maibigay na prediksyon si Khan sakaling matuloy ang laban dahil wala umanong nabago sa istilo at lakas ni Pacman.

Sakaling maganap ang naunang hinangad na laban kontra kay Maywea­ther, matibay ang paniniwala ni Khan na mananalo siya dahil hirap ang walang talong WBC champion sa mga mabibilis na boxers tulad niya.

vuukle comment

AMIR KHAN

CHRIS ALGIERI

DEVON ALEXANDER

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

KHAN

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with