^

PSN Palaro

Wiggins pinapirma ng Cleveland, pero...

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinapirma ng Cleveland Cavaliers ang No. 1 overall draft pick na si Andrew Wiggins  ngunit hindi ito katiyakan na sa nasabing koponan ito maglalaro.

Sa pagpirma sa kontrata ng Cavaliers, si Wiggins ay hindi puwedeng  1-trade sa loob ng 30 araw. Ang kontrata niya sa Cleveland ay tinatayang nasa $5.5 milyon at magtatagal sa loob ng apat na taon.

Si Wiggins ay napaulat na nais na isama sa palitan sa pagitan  ng Cleveland at Minnesota Timberwolves para sa All-Star forward na si Kevin Love.

Matatandaan na bu­ma­lik na sa koponan ang dating pambato na si Le­Bron James at nais ng ko­ponan na sangkapan pa ito ng mga mahuhusay na manlalaro para matulad sa ginawa ng Miami Heat.

Si James ay naglaro sa Heat at nakasama sina Chris Bosh at Dwayne Wade at nabigyan nila ang koponan ng dalawang dikit na NBA title.

Si Kyrie Irving ang  ika­lawang manlalaro na tu­tulong sa Cleveland at isa na lamang ang kulang para makumpleto ang mga makakatulong kay James.

Bukod sa Cleveland, ang Chicago Bulls ay inte­re­sado rin na makuha ang serbisyo ni Love na itinuturing bilang isa sa mga matitinding power-forward sa NBA sa kasalukuyan.

vuukle comment

ANDREW WIGGINS

BRON JAMES

CHICAGO BULLS

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DWAYNE WADE

KEVIN LOVE

MIAMI HEAT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with