^

PSN Palaro

Rivera umalagwa sa BWC finalists

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilabas  ng dating world champion na si Biboy Rivera ang magandang porma para pangunahan ang ikalawang pangkat ng finalists sa 2014 Bowling World Cup national championship na idinaos kamakailan.

Nagtala ng perfect game (300) si Rivera sa ika-siyam na game sa 12-game series upang katampukan ang 2800 puntos na naitala at maging ikalawang best qualifier sa nasabing grupo.

Si Jason Tubid ang lumabas bilang pinakamahusay sa 2819 puntos .

Hanap ni Rivera ang makalaro uli sa World Cup na kanyang huling  nilahukan noon pang 2011 sa Johannesburg, South Africa.

Sina Mades Arles at Benshir  Layoso ay nakapasok din sa national finals na gagawin sa tatlong lugar na Coronado Lanes (Agosto 16-17), Paeng’s Midtown (Agosto 19-20) at SM North Edsa (Agosto 22).

Sina Ardles at Layoso ang mga kumatawan sa Pilipinas sa World Cup noong nakaraang taon  sa Krasnoyarski, Russia na kung saan si Arles ay nalagay sa ikawalong puwesto sa kababaihan habang si Layoso ay tumapos sa 17th place sa kalalakihan.

Si Cielet de Leon ang lumabas bilang pinakamahusay naman sa kababaihan sa 1549 score.

Ang kikilalaning national champion sa kalalakihan at kababaihan ang maglalaro sa World Cup na gagawin sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland mula Nobyembre 1 hanggang 9.

vuukle comment

AGOSTO

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

CORONADO LANES

LAYOSO

NORTH EDSA

RIVERA

SI CIELET

SI JASON TUBID

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with