^

PSN Palaro

Petron Blaze uupuan ang 5th place sa PSL

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ulitin ang panalong na­itala sa elimination round para angkinin ang ika­limang puwesto ang nais gawin ng Petron Lady Blaze Spikers sa Cagayan Valley Lady Rising Suns sa 2014 PLDT Home-Phi­lippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ito ang natatanging laro sa kababaihan sa triple-header game na naka­ha­nay sa pangalawa sa hu­ling araw ng kompetis­yon sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa ayuda pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Sa ganap na alas-2 ng hapon ang tagisan at pa­tatatagin ang hanap na panalo ng Lady Blaze Spikers ng 22-25, 25-14, 25-20, 25-21, tagumpay sa Lady Rising Suns sa unang pagkikita noong Mayo 28.

“Determinado kaming kunin ang ikalimang puwesto para hindi masayang ang naunang paghihirap namin,” wika ni Petron coach George Pascua.

Dalawang laro sa ka­la­lakihan ang tatapos sa aksyon sa elimination round.

Ang Cignal  at  IEM ang magtatapat dakong alas-4 ng hapon bago magkrus ang landas ng PLDT at Systema sa alas-6 ng gabi.

Balak ng PLDT na maitala ang ang 8-0 sweep para palakasin ang habol sa titulo sa kalalakihan laban sa Cignal.

Ang championship round ay gagawin sa Sabado at ang men’s title at ang women’s championship sa hanay ng Generika-Army at RC Cola-Air Force ang huling laro dakong alas-5:30.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG CIGNAL

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

COLA-AIR FORCE

CUNETA ASTRODOME

GEORGE PASCUA

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS EQUIPMENT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
11 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with