^

PSN Palaro

Krusyal ang labanan: 4 teams magpupuwestuhan sa quarterfinals

RC - Pilipino Star Ngayon

TEAM STANDINGS  W    L

1-Talk ‘N Text           9     0

2-San Miguel Beer   7     2

Alaska                      5     3

Meralco                     5     4

Rain or Shine              4     4

San Mig Coffee           4     5

Ginebra                        3     5

8-Air21                        3     6

Barako Bull                  2     7

Globalport                    1     8

 

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Alaska vs San Mig Coffee

5:15 p.m. Rain or Shine vs Ginebra

 

 

MANILA, Philippines - Sesementuhan ng nagdedepensang Alaska ang kanilang pagkopo sa No. 3 berth, habang magpupu­westuhan naman ang Meralco, Rain or Shine at Barangay Ginebra para sa quarterfinal round.

Sasagupain ng Aces ang Mixers ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang banggaan ng Elasto Pain­ters at ng Gin Kings sa alas-5:15 sa pagpapatuloy ng 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Komplikado ang lahat ng mga laro ng apat na koponan para sa kanilang posisyunan sa quarterfinals.

Tanging nakasiguro lamang ng silya ay ang Talk ‘N Text at San Miguel Beer na umangkin sa No. 1 at No. 2  ticket, ayon sa pagkakasunod, para sikwatin ang ‘twice-to-beat’ incentive kontra sa No. 8 at No. 7 teams.

Lalabanan naman ng No. 3 ang No. 6, samantalang makakatapat ng No. 4 ang No. 5 sa kani-kanilang best-of-three series.

Maaaring malagay ang Aces sa No. 3, 5 o 6, depende sa magiging resulta ng kanilang laro laban sa Mixers at sa kahihinatnan ng banggaan ng Elasto Painters at Gin Kings.

Posible namang maupo ang San Mig Coffee sa No. 4, 5 o 6 sa magiging resulta ng kanilang salpukan ng Alaska.

Nasa isang four-game winning streak ngayon ang Aces kumpara sa Mixers, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, na nahulog sa two-game losing skid.

Sa ikalawang laro, asam ng Rain or Shine na makuha ang No. 6 sa pagharap sa Ginebra.

Ipaparada ng Gin Kings si two-time Best Import Gabe Freeman, ang kanilang ikatlong import ngayong komperensya matapos sina Leon Rod­gers at Josh Powell.

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

GINEBRA

N TEXT

SAN MIG COFFEE

SAN MIGUEL BEER

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with