^

PSN Palaro

Manny sa Vegas uli nais gawin ang susunod na laban

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

HOLLYWOOD--Gusto pa rin ni Manny Pacquiao na gawin sa Las Vegas ang kanyang susunod na laban.

Ito ay kahit sino o kailanman itakda ang kanyang susunod na pag-akyat ng boxing ring.

“I still like Vegas. I want to fight there,” sabi ni Pacquiao, nagmula sa unanimous decision win kay Ti­mothy Bradley, Jr. sa MGM Grand.

Mahal ni Pacquiao ang Las Vegas at mananatili ito sa kanyang puso.

Unang lumaban si Pacquiao sa Sin City noong 2001. Bilang isang late replacement, pinatumba niya si African Lehlo Ledwaba sa sixth round para agawin sa huli ang IBF super-bantamweight title, ang kanyang ikalawang world title.

At mula noon ay nagbigay na si Pacquiao ng mga kapana-panabik na mga laban sa  Las Vegas at hinirang na nag-iisang boksingerong naghari sa walong magkakaibang weight classes.

Tatlong beses niyang nilabanan si Erik Morales at apat na ulit naman niyang hinarap si Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.

Sa Las Vegas din tinalo ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera at maging si Oscar dela Hoya.

Lumaban si Pacquiao ng 16 beses sa Las Vegas at 11 sa MGM.

“This is where I started. I like the crowd in Vegas,” sabi ni Pacquiao.

Matapos mapatulog ang Filipino icon ni Marquez noong Disyembre ng 2012, hindi lumaban si Pacquiao ng halos isang taon.

Sa kanyang pagbabalik ay lumaban siya sa Macau para sa kanilang non-title fight ni Mexican-American Brandon Rios.

Binugbog ni Pacquiao si Rios.

At noong Linggo sa ha­rap ng 15,601 fans ay binawian niya si Bradley sa kanilang rematch.

“I was very surprised,” wika ni Pacquiao sa ibi­nigay sa kanyang crowd support.

Sinabi ng promoter ni Pacquiao na si Bob Arum na maaaring lumaban muli si Pacquiao sa Macau o sa ibang bahagi ng mundo.

Sa Nobyembre posib-­leng muling lumaban si Pacquiao alinman kina Marquez o Mike Alvarado, maglalaban sa Mayo 17 sa The Forum sa Inglewood, California.

Ngunit wala pa itong katiyakan.

vuukle comment

AFRICAN LEHLO LEDWABA

BOB ARUM

BRADLEY

ERIK MORALES

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MACAU

PACQUIAO

VEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with