^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ayuda sa stranded commuters

Pilipino Star Ngayon

PATULOY ang Metro Manila Development Autho-rity (MMDA) at Land Transportation. Franchi-sing and Regulatory Board (LTFRB) sa paghuli sa mga karag-karag na mga sasakyan particular ang jeepneys. Noong nakaraang linggo nila sinimulan ang kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok’’. Pagtalima ito sa jeepney modernization program kung saan ang 15-taong gulang pataas na mga sasakyan ay pagbabawalan nang makabiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila at iba pang malalaking siyudad sa buong bansa.

Sa unang araw ng kampanya, marami na agad sasakyang bumibiyahe sa Metro Manila ang nasampolan. Pinakarami ang mga nahuling jeepney na ayon sa MMDA at LTFRB ay walang karapatang bumiyahe dahil sa mga paglabag sa batas at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero. Karamihan sa mga jeepney ay nagbubuga nang napakaitim na usok na halatang takbo na lang nang takbo at hindi sumasailalim sa regular maintenance. Bukod sa violations na ito, wala ring ilaw sa unahan, pudpod ang gulong at sira-sira ang mga upuan at nangangalingasaw ang drayber. Marami sa mga pampasaherong jeepney ang nararapat na talagang igarahe at ibenta nang por kilo. Hindi na dapat hayaang yumaot nang yumaot sa kalsada ang mga karag-karag na jeepney sapagkat ilalagay sa panga­nib ang buhay ng mga pasahero at palulubhain ang air pollution. Matindi na ang pagkalason ng hangin sa Metro Manila at kung hindi pa lubusang matatanggal sa kalsada ang mga bulok na jeepney, unti-unting papatayin ang mamamayan.

Dahil sa seryosong paghuli ng MMDA at LTFRB sa mga karag-karag na jeepney, marami na ang hindi bumibiyahe o kung bumiyahe man, karamihan ay nagka-cutting trip o kung saan-saan nagdaraan para hindi mahuli ng MMDA. Nagresulta ito sa maraming na-stranded na pasahero. sa Commonwealth Ave. Quezon Avenue, España Blvd., Taft Avenue at marami pang lugar sa MM.

Hindi umano titigil ang MMDA sa paghuli sa mga bulok na sasakyan kaya inaasahan ang pagdami ng mga hindi makasakay dahil sa kakulangan ng dyipni. Sa ganitong sitwasyon, dapat mag-provide ng sasakyan ang MMDA sa stranded commuters. Tulungan silang makasakay at nang makarating sa paroroonan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with