^

PSN Opinyon

‘DPWH Sec. Villar, let’s talk, Unfiltered!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

WALANG pag-aalinlangang tinanggap ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang imbitasyon na maging unang pana­uhin ng Ben Tulfo Unfiltered, live.

Bukas, Enero 18, 5:30 hanggang 6:00 ng hapon, diretsahang sasagutin ni Sec. Villar ang mga maiinit na isyung ibinabato sa kanya at kinasasangkutan niya.

Ang taumbayan, welcome magtanong na totohanang sasagutin ni Sec. Villar – unfiltered! Ipadala lamang ang inyong mga katanungan o komento sa @bitagbentulfo twitter account at sasagutin namin ito sa ere mismo.

Subalit babala, walang bastusan, walang laitan ng mga personaheng magpapa-unlak ng aming imbitas­yon na umupo sa Bitag Multimedia Network (BMN) studios para sumagot ng mga isyu.

Totoo, na ang programang Ben Tulfo Unfiltered ay no holds barred, bawal ang kasinungalingan at pagmamaang-maangan dahil mabi-BITAG ang nagkakaila.

Walang patumpik-tumpik ang pagdiskusyon sa mga napapanahong balita at kontrobersiya pero walang pilitan, puwedeng hindi sagutin ng mga guests ang mga katanungan – ito ay isang paggalang.

Bilang teaser, isa sa mga isyung diretsahang lilinawin ni Sec. Villar ay  ang pagkuwestiyon ng mga kritiko sa kan­yang kakayanan bilang pinuno ng ahensiya.

Ililinya rin ang mga isyung naglalakihang budget na tinanggap ng ahensiya noong taong 2017 at ngayong 2018.

Alam ko mga bossing na kating-kati ang general working public, ang mga commuters, na itanong kay Sec. Villar kung hanggang kailan ang pasakit, pagtitiis at kalbaryong nararanasan dahil sa mga kabi-kabilaang proyekto ng kanyang opisina.

May nakaamba na maanghang na kasagutan at hamon ang kalihim ng DPWH sa mga isyung ito. Walang script-script na tulad ng iba diyan kung saan tinuturuan pa ang kanilang mga guests kung ano ang isasagot sa ere.

Handa na ba kayo mga bossing? Bukas, sa Ben Tulfo Unfiltered, 5:30 ng hapon sa PTV4 simulcast sa Radyo Pilipinas 738 at sa Bitag Multimedia Network facebook page at BMN website www.bitagmedia.com.

May isa pa kaming pasabog, dahil sa Biyernes, si Senador Manny Pacquiao naman ang aking panauhin, kaya tutukan ang Ben Tulfo Unfiltered!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with