^

PSN Opinyon

Mga nagmamaneho dapat disiplinahin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ilang malagim na banggaan sa daan at paghulog sa bangin pa ang hinihintay maganap bago mahimasmasan ang mga awtoridad. Nakakasawa na sila paki­usapan.

Matagal nang ipinanukala na higpitan ang paglilisensiya sa mga nagmamaneho. Mali ang pananaw ng Land Transportation Office sa pakikipagpaligsahan sa BIR at Customs sa pagpasok ng kita sa gobyerno. Tungkulin nito i-regulate ang mga nagmamaneho. Hindi puwedeng kung sinu-sino lang ang nililisensiyahan. Dapat sinusuri muna ang pag-iisip, kung responsable ba o pabaya; at ang pinag-aralan, kung nakakabasa ba man lang ng road signs o no-read-no-write. Hindi dapat pinakakawalan sa daan ang mga walang pakialam sa kaligtasan ng kapwa, at lalo na kung walang laman ang utak.

Mali dahil literal ang pag-tupad ng LTO sa utos ni President Duterte nu’ng 2016. “Ayokong makakita ng pila ng mga aplikanteng mamamayan sa mga ahensiya ng gobyerno,” aniya. Ang ginawa ng LTO ay hinabaan sa limang taon, mula tatlo, ang effectivity ng lisensiya -- para daw umikli ang pila sa renewals. At pinaspasan ang pag-isyu -- kinaligtaan ang driver testing laban sa droga, linaw ng mata, kaalaman sa batas, at galing sa pagmamaneho. Kaya naglipana ang mga bastos, mangmang, at mamamatay-taong drivers.

Matagal na rin nagpanukalang magtatag ng Na­tional Transport Safety Board. Hahatiin dapat ito sa apat: highways, railways, maritime, at aviation. Ang Highways Safety agency ay mag-iimbestiga ng bawat banggaan at hulog-bangin na nagdulot ng kamatayan, pagkalumpo, at pagkasira ng ari-ariang pampubliko. Pagbabayarin nang malaki at paparusahan ang maysala, aayusin ang mga peligrosong daan, at magpapanukala ng mga pag-iwas aksidente.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with